54 ORAS SA BICOL

22343946_699389873597033_2089905389_o

We wander for distraction, but we travel for fulfillment. – Hilaire Belloc

22291861_699389736930380_76503222_n

Noong Hunyo dalawapu’t isa hanggang dalawampu’t tatlo, kami ay nagtungo sa probinsiya ng Bicol. Ito ay isa sa mga hindi ko malilimutang pangyayari dahil marami akong naranasan at natutunang bago dito. Natuklasan ko ang iba’t ibang lugar dito at nalasahan ko rin ang kanilang mga pagkain. Sa probinsiya ng Bicol, nagtungo kami sa iba’t ibang lugar na nandito gaya ng Naga,Albay, Legazpi, at Camarines Sur.Naglakbay kami ng labing-apat na oras (sa lupa) patungo sa Bicol at kami ay tumuloy muna sa isang hotel sa Naga City. Ang Hotel na ito ay tinatawag na Villa Caceres. Dahil pagod kami sa aming paglalakbay, kami ay nagpahinga muna dito at maya-maya ay nagtungo na kami sa iba’t ibang pasyalan sa Bicol.

 

This slideshow requires JavaScript.

Ang una naming pinuntahan ay isang simbahan sa Naga City, ang Peñafrancia Shrine. Ang simbahang ito ay medyo kakaiba sa ibang simbahan na aking napuntahan dahil sa likod ng altar ng simbahang ito, kami ay maaaring pumunta doon. Sa labas ng simbahan na ito, makikita ang iba’t ibang larawan ng mga santo. Sa likod ng simbahang ito, makikita ang kanilang sementeryo. Ang lengguwahe naman sa mga postcard na makikita rito ay ang kanilang lengguwahe, ang Bikolano.

Matapos naming puntahan ang simbahan, kami ay nagtungo naman sa CamSur Watersports Complex.Sa lugar na ito, maaaring kang maglaro sa isang parang inflatable island  o kaya naman ay mag- wakeboarding ka. Kami ay walang pamalit ng panahong ito kaya hindi na kami nagpabasa.

22323652_699389960263691_2095933351_o

Kinabukasan, ang una naming napuntahan ay ang Cagsawa Ruins. Natuwa ako noong nakita ko ito sa personal dahil napaka-historikal ng lugar na ito. Ang Cagsawa Ruins na ito ay ang tanging natira sa Cagsawa Church noong pumutok ang Bulkang Mayon noong Pebrero 1, 1814. Kapag ikaw ay nandito, masisilayan mo na rin ang Bulkang Mayon at mas makikita mo ito kapag maagang-maaga ka pumunta upang wala pang nakaharang na ulap dito.

This slideshow requires JavaScript.

Sa Cagsawa Ruins, mayroong rin silang mga food stalls. Dahil sa mga ito, ay nakatikim na ako ng sili ice cream (na popular sa kanila) sa unang pagkakataon. Kapag bibili ka nito, ikaw ay kanilang tatanungin kung ano ang flavor at kung gaano kataas ng anghang ang iyong gusto. Ang pinili ko ay strawberry flavor na may katamtamang antas ng anghang. Ito ay kasing lasa lang ng pangkaraniwang stawberry ice cream ngunit mararamdaman mo ang anghang sa iyong lalamunan.

This slideshow requires JavaScript.

Ang sumunod naming pinuntahan sa araw na ito ay ang Sumlang lake. Makikita dito ang isang lawa na pinaganda gamit ang maraming disenyo sa paligid at makikita rin ang mga iba’t ibang kulay na lumulutang na balsa sa mismong lawa. Maaari ka ditong makakuha ng maraming aystetikong larawan dahil sa mga disenyo dito gaya ng iba’t ibang upuan na gawa sa abaca.

Sumunod, kami naman ay nagtungo sa Hoyop-hoyopan cave. Ang ibig sabihin daw ng hoyop-hoyopan ay hangin, tinawag itong ganito dahil pagpasok mo sa loob ay napakahangin. Sa loob ay makikita ang iba’t ibang bato o crystal na may iba’t ibang pormasyong natural gaya ng: babaeng mukhang umiiyak at sa itaas nito ay isang lalaking nagbigti, pormasyong kamay kumbaga ni Hesus, pormasyon ng buwaya at iba pa. Makikita rin dito ang ibang buto ng tao, kumpol ng mga paniki na nasa itaas  at ang kuweba daw na ito ay dating nakapailalim sa dagat, na ngayon ay wala nang tubig. May mga dadaanan din dito na mga tulay na may tubig na malamig sa ibaba at mayroon ding mga makikitid na daan. Naging masaya ang pagpunta namin dito dahil na rin sa aming tour guide na masiyahin at madaming kinikwento.

Ang isa pa naming pinuntahan ay ang Daraga Church sa Daraga Albay. Ito ay isang simbahan ng sobrang luma na ngunit hindi nila ito binabago. Masisilayan din dito ang bulkang Mayon.

Sa Ligñon hill naman ay makikita mo ang maraming tanawin sa ibaba. Mayroon din ditong mga maaaring gawing mga adventure gaya ng zipline. Mayroon din ditong bilihan ng mga souveniers at mga pagkain. Sa tunnel daw dito sa Ligñon Hill ginanap ang laban ng Hapon noong World War 2.

This slideshow requires JavaScript.

Ang ikalawa sa huli namin na pinuntahan ay ang lugar para sa mga ATV adventure na may tanawin ng bulkang Mayon. Sobrang nag-enjoy ako dito dahil ito ang unang beses na sumakay ako sa ATV. Mag mga nadaanan kaming ilog at mga bato habang nakasakay kami dito. Ito ay nakakapagod ngunit napakasayang karanasan.

Ang huli naming pinuntahan ay isang park sa Legazpi. Makikita dito ang isang bay at iba’t ibang food stalls. Ito ay ang huli na naming pinuntahan dahil malapit na rin mag-gabi noong panahong ito.

Naghapunan kami sa isa sa mga kainan dito na ang pangalan ay Casa Soriano. Dito ko natikman ang iba’t iba nilang pagkain gaya ng pinangat, sinantolan, laing at bicol express. Dito ko natikman ang pinakamaanghang na bicol express dahil unang kain ko palang ay sumuko na ako sa sobrang anghang. Ang kanilang laing naman ay punong-puno ng dahon. Natikman ko ang sinantolan, na gawa sa gata at balat ng santol, ito ay sobrang nasarapan ko. Ang pinangat din nila ay napakasarap. Napansin kong mahilig sila sa pagkaing may gata dahil kadalasan sa mga natikman namin ay may gata.

This slideshow requires JavaScript.

(ang lahat ng litrato ng pagkain ay mula sa Google)

Kinabukasan, kami ay nag island hopping patungo sa Calaguas Island. Ang Islang ito ay napakaganda dahil ang buhangin dito ay napakaputi at walang mga bato, purong buhangin lamang.Ang tubig naman dito ay kulay turquoise na pinakapaborito kong kulay kapag tubig ang pinag-uusapan. Sa islang ito kami nagpalipas ng isang buong araw at dito narin kami natulog. Walang signal at wifi dito kaya mararamdaman mo ng husto ang paligid at mararamdaman mo ang bagal ng oras. Hindi ko na pinake-alaman kung mangingitim man ako ng husto dahil sobrang nag- enjoy ako sa paglangoy dito dahil sa ganda ng tubig at buhangin, at dinagdagan pa ng napakagandang sunset. Noong hapunan ay hinainan ulit kami ng pagkaing sinantol, laing,bicol express, at pinangat ng mga tao doon at marami akong nakain dahil sobrang sarap ng mga pagkain nila dito. Noong gabihan na, kami ay natulog sa isang tent, ito ay ang unang beses na natulog ako sa isang tent. Walang hangin noong panahon na natulog kami kaya hindi ako makatulog sa init. Pagkagising ay nakita ko ulit ang dagat kasabay ng pagtaas ng araw. Noong paalis na kami ay nalungkot ako dahil napakasaya ng karanasan ko dito sa Bicol.

This slideshow requires JavaScript.

Napansin ko na napakamasiyahin ng mga tao dito at mababait sila. Napansin ko ito dahil ang tour guide namin at ang ibang tao na nakakasama namin na mga Bikolano rin ay mahilig magpatawa.Ang lahat ng sinasabi nila ay may halong pagpapatawa.Napansin ko na mababait sila dahil ang mga taong naghain sa amin ng pagkain at inasikaso kami ay sobrang tiyaga at lagi lang silang nakangiti.

Bilang kabuuan, nasiyahan ako sa naging paglalakbay namin sa Bicol, ikagagalak ko rin kung kami’y makababalik pa sa susunod.